-- Advertisements --

Tiniyak ni Atty. Cornelio Samaniego III na kinakaya ng bilyunaryong contractor na si Sarah Discaya ang sitwasyon niya sa loob ng kulungan.

Ayon sa abogado, bagaman nahihirapan siya sa loob, hindi naman nagmumukmuk ang kaniyang kliyente habang nakakulong.

Normal naman aniya na hindi sanay ang kahit sino sa loob ng piitan lalo’t maraming kasama sa selda ngunit nakapag-adjust naman na aniya ang kontratista, kasama ang kaniyang mga kapwa-preso.

Ayon sa abogado, regular din ang pagbisita ng apat niyang anak sa Lapu-Lapu City Jail.

Maging si Curlee aniya ay nakakaya naman ang sitwasyon sa loob ng Senado, mula noong na-contempt siya ilang buwan na ang nakakalipas.

Maayos din aniya ang pangangatawan ni Curlee pero iniiwasan umano ang pagkain ng kanin dahil sa hindi siya makapag-ehersisyo sa loob ng detention at restricted ang kaniyang galaw.

Nitong Enero-13 nang ibinasura ng Lapu-Lapu Regional Trial Court ang hirit ng kontratistang si Sarah na maibalik sa kustodiya ng National Bureau of Investigation kaya mananatili siya sa loob ng Lapu-Lapu Jail.