Naibenta sa halagang $1,380,000 sa isang auction ang sapatos ni NBA legend Michael Jordan.
Ang nasabing sapatos na Air Jordan 13 Breds ay tinaguriang “Flu Game” na isinuot ni Jordan kahit ito ay may trangkaso.
Pinilit pa rin ng Chicago Bulls star na maglaro sa Game 5 nila ng Utah Jazz noong 1997 NBA Finals.
Sa nasabing laro ay nagtala siya ng 38 points, pitong rebounds at limang asissts.
Ibinigay ni Jordan ang sapatos na kaniyang pinirmahan sa ball boy ng Jazz na si Preston Truman.
Sa loob ng 15 taon ay hawak ni Truman ang sapatos at hanggang naibenta nito sa Grey Flannel Auctions noong 2013 sa halagang $104,765.
Hindi lamang ito ang pinakamahal na sapatos ni Jordan naibenta sa auctions dahil ang kaparehas din na sapatos na isinuot naman niya sa second half ng “Last Dance” NBA Finals noong 1998 ay naibenta sa halagang $2.238 milyon noong Abril.