-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na malayo pa tayo sa shortage ng oxygen supply at iba pang kailangan sa COVID response.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, kayang-kaya pa ng suppliers na mapunan ang pangangailangan ng mga ospital.

Lumalabas sa pag-aaral na na ang monthly medical oxygen consumption ay 12,200 tons o 460 tons para sa 26-day consumption level.

Ang tatlong local supplier nito sa ating bansa ay pare-parehong nakakapag-produce ng 604 tons o 18,120 tons monthly.

Maliban dito, sapat din ang face mask, face shields, gloves at iba pang kailangan para sa mga pasyente, medical personnel at karaniwang mamamayan.

Sinabi naman ni DTI Usec. Ruth Castelo na patuloy ang kanilang monitoring, para mabantayan ang presyo ng mga produkto sa merkado.

Ang mga sumbong naman aniya ay maaaring idulog sa kanilang hotline na 1-384, para sa kaukulang aksyon.

Nakikiusap naman silang ilakip ang larawan, video at kwento ukol sa violation, para mapabilis ang kanilang pagbibigay ng tugon.