CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng pamahalaang lungsod ng Santiago na nagtala ng limang panibagong nagpositibo sa COVID-19.
Una si CV 4811 patient, 33-anyos na babae at mula sa Barangay Centro West.
Isang market vendor sa Old Public Market ang pasyente, walang kasaysayan ng paglalakbay subalit may asthma.
Pangalawa si CV 4812 patient, 24-anyos na mula sa Barangay Victory Norte.
Siya ay isang delivery boy sa New Public Market at walang kasaysayan ng paglalakbay.
Pangatlo si CV 4814 patinet, 30-anyos na babae at mula sa Barangay Abra.
Market vendor din siya sa Old Public Market, walang kasaysayan ng paglalakbay subalit may asthma rin.
Pang-apat si CV 4816 patient, 81-anyos na babae at mula sa Barangay General Malvar.
Siya ay isang market vendor sa Old Public Market at walang kasaysayan ng paglalakbay.
Panglima si CV 4831 patient, 66-anyos na babae at mula sa Barangay Victory Norte.
Isa rin siyang market vendor sa Old Public Market at walang kasaysayan ng paglalakbay subalit may urinary tract infection.
Patuloy ang contact tracing ng City Epidemiological and Surveillance Unit o CESU para sa mga posibleng may pakikisalamuha sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Santiago.
Samantala, ibinahagi ni City Health Officer Dr. Genaro Manalo sa ginanap na regular flag raising ceremony na 139 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Nasa 290 ang nananatili sa LGU Quarantine Facility at 33 ang returning overseas Filipinos, 63 ang non-APOR, nasa 44 ang local travellers at pito ang close contact.
Patuloy na isinusulong ng CHO ang tuluyan nang paggamit ng Pamahalaang Lunsod ng Rapid Antigen Test sa mga Non-APOR at ROF para mapagaan ang sistema para sa kanilang mga kababayan.
Dahil sa papapalapit na kapaskuhan, patuloy na pinag-iingat ng CHO ang publiko at nakiusap na manatili lamang sa kanilang mga tahanan para masiguro ang kanilang kaligtasan.
Ugaliin ding mag-disinfect ng sarili bago pumasok sa bahay lalo na kung nanggaling sa mga matataong lugar.