CAUAYAN CITY- Nagtala ng unang kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 ang nasabing bayan

Ang namatay ay si patient CV 7793, 57- anyos na lalaki, residente ng Salinungan West, San Mateo, Isabela.

-- Advertisement --

Siya ay may history ng paglalakbay sa Lunsod ng Cauayan, mga bayan ng Ramon at Alicia maging sa Lunsod ng Tuguegarao

Siya ay nakaranas ng ubo at sipon at nahirapang huminga.

Si CV 7793 ay may comorbitidy pangunahin na ang Diabetes Mellitus at Hypertension.

Isinailalim siya sa swab test noong February 6, 2021 at nagpositibo sa SARS CoV 2.

Ang pasyente ay nasawi sa Santiago Medical City kahapon ng umaga at kaagad na inilibing sa nasabing araw.