Patuloy na ikinakasa ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang isang multilateral naval exercises na Sama-sama Exercises 2025 kasama ang United States at iba pang mga nasyon.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Marissa Arlene Martinez, kabilang sa mga barkong makikilahok sa bahagi ng Pilipinas ay ang BRP Antonio Luna, BRP Ramon Alcaraz, BRP Valentin Diaz, at BRP Lolinato To-Ong.
Bahagi naman ng naturang pagsasanay ay ang mga replenishment at sea operations, air defense exercises, combined anti-submarine warfare at maging anti-surface warfare trainings.
Ayon kay Martinez, layon nito na mapalakas pa ang interoperbility, kahandaan para sa mga ikakasang operasyon at maging pagsasagawa ng mga tactical cooperation ng Pilipinas sa iba pang mga hukbo mula sa mga kalyadong bansa.
Samantala, ang pagsasanay naman aniya ay sumasalamin sa matibay na samahan sa pagitan ng Pilipinas at kalahok na mga bansa na siyang inumpisahang pagtibayin nitong 2017 sa pamamagitan ng iba’t ibang mga bilateral maritime security drills.
Ang pagsasanay naman ay nagsimula nitong Oktubre 6 at nakatakda namang magtapos sa Oktubre 17.