-- Advertisements --
Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagong tropical depression na namataan ng Pagasa kahapon.
Ang bagyo ay pinangalanang “Onyok.”
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,410 kilometers east ng Visayas.
Kumikilos ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras at taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng 70 kilometro bawat oras.
Dahil sa sama ng panahon, asahan na ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Bicol region.
Inaasahan namang lalabas ng PAR ang bagyo sa Oktubre 1 at hindi na ito magla-landfall.