Matapos ang kalmadong buwan sa pagitan ng United States at Iran, muling nagpalitan ng pag-atake ang dalawang bansa nitong linggo kabilang ang naitalang pag-atake ng US sa tatlong oil tankers ng Iran sa kahabaan ng Strait of Hormuz.
Pagkukumpirma ng US military nitong Sabado, Setyembre 5, “permanenteng na-disable” ng hukbo ang dalawang Iranian-linked na oil tanker, kabilang ang isa malapit sa Kharg Island habang “tuluyang ipinabagsak” umano ng estado ang pangatlong oil tanker sa Gulf of Oman.
Umalma naman ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran nang atakihin din nito ang tatlong US-affiliated na barko kabilang ang tatlo pang oil tankers bilang opensiba sa kabilang estado.
Ayon sa Iran, binabagtas ng mga nasabing US vessels ang isang ‘di awtorisadong ruta ng Strait of Hormuz.
Batay sa pahayag ng US Central Command (Centcom), dalawang US warship ang umano’y tinarget ng Iran bago atakihin ng US ang tatlo nitong oil tankers.
Mahalaga sa internasyunal na merkado ang Strait of Hormuz bilang pangunahing daanan ng pag-angkat at pagluwas ng petrolyo ngunit naghigpit ang pagdaan dito nang pumutok ang tensyon sa pagitan ng US at Iran nitong Pebrero ng taon.

















