-- Advertisements --
Pinagmulta ng NBA ang Sacramento Kings ng $50,000 matapos na komprontahin ni assistant general manager Wes Wilcox ang isang personnel sa official scorers’ table sa 115-113 home victory kontra Miami Heat.
Si Wilcox ay pinagmulta rin ng $15,000 dahil sa paglabag sa patakaran ng liga na nagbabawal sa team owners at executives na makihalubilo sa mga game-operations personnel.
Nabatid na nangyari ang naturang insidente sa kalagitnaan ng timeout pagkatapos ng halftime nang lumapit si Wilcox sa scorers’ table para magtanong hinggil sa handling ng game clock sa isang jump ball.
Ayon sa NBA, wala namang issue sa kung paano hinawakan ng mga official scorers ang oras.