Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga inter-regional at inter-provincial public utility vehicles (PUVs) na gumamit ng safe, swift and passage o S-PASS travel management system.
Sa inilabas na memorandum circular na pirmado ni LTFRB chairman Martin Delgra, na dapat ang lahat ng mga pasahero ay dapat mag-rehistro sa S-PASS system bago makabili ng kanilang tickets sa bus.
Dapat ipakita pasahero ang puwereba na sila ay nakapagparehistro na bago sila ay payagang makasakay sa bus.
Bukod pa dito ay mayroong mga travel coordination permit o ang travel pass-through permit na inilabas ng local government sa lugar kung saan ito patungo.
Ang sinumang lumabag sa circular aniya ay breach of resolution na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Mayroong mahigit 250 na ruta ng bus na binubuo ng 5,000 units na labas pasok sa Metro Manila ang binuksan.
Ang S-PASS ay communication platform na ginawa ng Department of Science and Technology para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na bumabiyahe sa bawat provincial at regional borders para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.