-- Advertisements --
Hindi pa rin makapaniwala si Andrey Rublev na makuha nito ang kampeonato sa Monte Carlo.
Ito kasi ang unang Masters 1000 trophy niya ng talunin si Holger Rune ng Denmark sa tatlong set.
Lamang si Rune sa unang set subalit nakabawi naman si Rublev sa mga sumunod na set sa laro na tumagal ng isang oras at 34 minuto.
Tila isa itong pagbawi sa pagkatalo niya sa Masters finals ng Monte Carlo at Cincinnati noong 2021.
Pinasalamatan ng 25-anyos na Russian tennis star ang mga fans at team na sumuporta para makuha ang kampeonato.