Ipinag-utos na ni Russian President Vladimir Putin sa kanilang army na palayasin ang mga tropa ng Ukraine na lumusob sa kanilang teritoryo.
Ito ay matapos na umabot na sa 121,000 residente ang inilikas mula sa labanan kasunod ng inilunsad na sorpresang opensiba ng Ukraine sa western Kursk region noong Martes.
Sa isang pagpupulong kasama ang government officials, sinabi ni Putin na isa sa maliwanag na layunin ng kalaban ay maghasik ng alitan at sirain ang pagkakaisa ng lipunan ng Russia.
Subalit sa parte aniya ng kanilang defense ministry, ang pangunahin nilang task ay palayasin ang kalaban mula sa kanilang mga teritoryo.
Sinabi din ni Putin na gaganti ang Russia sa pamamagitanng pagpapakita ng nagkakaisang suporta para sa lahat ng naiipit sa labanan at inihayag na tumaas ang bilang ng mga kalalakihang nagpahayag ng intensiyon na lumaban.