-- Advertisements --
Pinatawan ng apat na taon na ban si Russian figure skater Kamila Valieva.
Ayon sa Court of Arbitration for Sport (CAS), napatunayang guilty ang 17-anyos na lumabag sa anti-doping rules nila.
Una kasing nagpositibo ito sa ipinagbabawal na substance noong 2022 Winter Olympics sa Beijing.
Ang nasabing ban ay noon pang Disyembre 25, 2021 ipinatupad kung saan nakulekta nila ang mga samples.
Ayon sa World Anti-Doping Agency (WADA) na hindi mapapatawad ang pagbibigay ng anumang substance sa mga bata.
Kanilang papanagutin ang mga doctors, coaches at mga support personnel na nagbigay ng mga performance-enhancing substance sa minors.
Si Valieva ay 15-anyos lamang noong nagpositibo ito sa trimetazidine isang gamot sa puso na nagpapalakas ng endurance.