Ibinahagi ni Anne Curtis ang mga litrato sa kanyang Instagram mula sa isang event ng isang luxury eyewear brand sa Seoul, South Korea, kung saan nakilala niya ang British actress na si Tilda Swinton at si Karina ng K-pop girl group na Aespa.
Kasama sa photo dump ni Anne ang isang larawan nila ni Swinton, na kilala sa mga pelikulang ”The Chronicles of Narnia” at ”Doctor Strange.” “The best time. Thanks for having me,” ayon sa kanyang caption.
Nag-post rin si Karina ng sariling Instagram update mula sa event, tampok ang larawan nila ni Anne.
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon si Anne ng encounter sa mga Korean stars—kamakailan lang ay nakita rin siyang kasama si Park Bo Gum sa world premiere ng ”Good Boy” sa Bangkok, Thailand.
Si Karina ay miyembro ng Aespa, na sumikat sa mga kantang ”Black Mamba” at ”Next Level” matapos ang kanilang debut noong 2020.