Tiniyak ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev na walang makikialam sa trade relation nila ng Pilipinas.

Bagamat hindi na nito binanggit ang bansa ay tiniyak nito na mahigpit ang defense cooperation nila ng PIlipinas.

Ang defense cooperation ng dalawang bansa ay hindi sumasalungat o kumokontra sa ibang bansa.

Isa sa tinutukoy nito ang pagpapaigting ng defense capabilities ng bansa sa tulong na rin ng Russia.