Pumayag na ang Russia na makibahagi sa grain agreement para makadaan ang mga trigo sa Black Sea.
Ito ay matapos na itigil nila ang pagbiyahe dahil sa inakusahan ang Ukraine na nasa likod pagpapasabog sa tulay ng Crimea.
Kahit na isinara ang Russia ang daanan sa Black Sea ay itinuloy pa rin ng United Nations, Turkey at Ukraine ang pagpapadala ng mga barko.
Una ng pinangunahan ng UN at Turkey noong Hulyo ang pagbabalik ng mga rota sa pantalan ng Ukraine para hindi na lumala pa ang food crisis.
Nakasaad sa bagong kasunduan na papayagan ang mga barko na maglayag sa safe corridor bago ito ay ma-inspect ng mga special co-ordination team ng Turkey sa Bosphorous Strait.
Matatapos ito ng hanggang Nobyembre 19 at depende lamang ito kung kanilang papalawigin.