-- Advertisements --
Minaliit lamang Russia ang hirit ng Ukraine ukol sa hiling nila na ceasefire.
Ayon kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov, na milagro na lamang sa ngayon kung maitutuloy ang usaping pangkapayapaan.
Giit din nito na malabong magpadala sila ng kinatawan sa Turkiye kung saan gaganapin sana ang ceasefire deal.
Isa sa mga tinukoy din ng Russian official kaya malabo silang tumugon sa ceasefire deal ay dahil drone strike ng Ukraine.
Hanggang hindi tumutugon aniya ang Ukriane sa kondisyon na nais ng Russia ay hindi sila makikipag-usap.
Una ng sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mayroon na silang panibagong round ng pag-uusap ng Russia para sa tuluyang makamit ang ceasefire.