-- Advertisements --
Naglunsad ng panibagong malawakang drone at missile strikes ang Russia sa Ukraine.
Isang katao ang nasawi sa nasabing atake sa southern Odessa region habang lima naman ang nasugatan sa Kyiv.
Ito na ang pang-apat na atake ng Russia sa loob ng walong araw sa Kyiv isang araw bago ang pagdiriwang ng Russia ng kanilang Victory Day.
Ang taunang kasiyahan ay sumasalamin ng panalo ng Soviet Union laban sa Nazi ng Germany noong World War 2.
Ayon sa Ukraine military na gumamit ang Russia ng mga Shahed kamikaze drones na lumipad sa buong malaking bahagi ng Ukraine.
Mayroong 36 drones naman ng Russia ang napabagsak ng Ukraine.