-- Advertisements --

Hindi naabot ng Russia ang deadline ng pagbabayad nila ng $5million na multa ng governing body ng track and field.

Ayon kay Russian track federation president Yevgeny Yurchenko, na wala pang nahahanap na pondo ang kanilang grupo para mabayaran ang nasabing multa.

Dahil dito ay posibleng suspendihin ng World Athletics ang “authorized neutral athlete” program na nagpapayag sa Russian na makapasok sa international competitions kahit na suspendido ang kanilang federations.

Sa nasabing status kasi ay nagwagi ng anim na gold medals ang Russia kabilang na ang gold medal na nakamit ni Mariya Lasitskene sa high jump at kay Anzhelika Sidorova sa pole vault.

Nakatakda ring magpulong nag World Athletics council sa darating na Hulyo 29 at 30.

Nauna rito minultahan ng World Athletics ang Russia ng $10 million noong Marso na napababa sa $5million matapos na aminin nila na pineke nila ang mga dokumento para sa doping test.

Nanawagan naman si Yurchenko na dapat intindihin ng World Athletics na naapektuhan sila ng krisis dulot ng coronavirus pandemic.