-- Advertisements --

Bumagsak sa ibabaw ng buwan ang unang lunar mission ng Russia sa loob ng dekada.

Naganap ang insidente ng mawala ang communication sa robotic spacecraft na Lun 25.

Ayon sa Russian space agency na Roscosmos na hindi na nila ma-kontak pa ang Luna-25.

Ginawa nila ang lahat ng makakaya para magkaroon ng contact sa nasabing spacecraft subalit hindi sila nagtagumpay.

Hindi naman malinaw ang pinakasanhi ng nasabing pagbagsak.

Bumuo na sila ng commission na siyang mangangasiwa sa imbestigasyon.

Ang unmanned spacecraft ay layon sana na makumpleto ang unang lunar mission ng Russia sa loob ng 47 taon.

Noong Agosto 18, 1976 kasi ay naging matagumpay na lumapag sa ibabaw ng buwan ang Luna 24 na siyang kauna-unahang lunar lander ng Russia.

Lumipad ang Luna-Glob-Lander o Luna 25 sa Vostochny Cosmodrome sa Amur Oblast noong Agosto 10.