-- Advertisements --

Magpapadala ang Russia ng 335 atleta na isasabak sa Tokyo Olympics.

Dahil sa pinagbawalan ang Russia na makasali sa anumang international sporting events kabilang ang Olympics hanggang 2022 ay sasali sila sa Tokyo Olympics sa illalim ng “ROC” ang acronym para sa Russian Olympic Committee.

Sinabi ni Russian Olympic Committee president Stanislav Pozdnyakov na inaprubahan ng ROC ang nasabing bilang ng mga atleta na sasabak.

Magiging flag bearer naman sina Maksim Mikhaylov at fencer Sofya Velikaya gamit ang Russian Olympic Committee flag.

Imbes na national anthem ang ipapatugtog ay papakinggan na lamang nila ang kanta na gawa ng composer na si Pyotr Tchaikovsky.

Magugunintang pinagbawalan ang Russia na makasali sa anumang international sporting events dahil sa state-sponsored doping case noong 2014 Sochi Games.