-- Advertisements --
Itinuturing ng army chief ng Russia na isang kasagutan lamang sa pagiging agresibo ng US sa Asia-Pacific region ang ginagawa nilang naval drills sa pagitan ng Russia at Chinese warships.
Ayon kay Russian army chief Valery Gerasimov na ang kooperasyon nila sa China ay dahil sa agresibong pagpapalakas ng US sa nasabing rehiyon.
Paliwanag nito ang nasabing exercise ay sang-ayon sa international law.
Wala rin aniya silang balak na magtayo ng anumang alyansa o paghihiwalay sa mga rehiyon gaya ng ginagawa ng US.
Nauna ng inanunsiyo ng Russi na magpapakalat sila ng ilang mga barkong pandigma para lumahok sa war games mula Disyembre 21 hanggang sa East China Sea.