-- Advertisements --
Itinanggi ng Russian government na naglabas ng kautusan si President Vladimir Putin na maglaan ng isang milyong reservist para lumaban sa Ukraine.
Sinabi ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu, na mayroong lamang 300,000 na reservist ang kanilang ipapatawag.
Ang mga ito ay mayroong kasanayan na sa pakikipaglaban.
Sa katunayan aniya ay mayroong 25 milyon reservists ang Russia na maaari nilang gamitin.
Base sa kasi sa batas ng Russia na lahat ng mga kalalakihan na may edad 18 hanggang 27 ay sasailalim ng isang taon na military service.
Magugunitang matapos na ianunsiyo ni Putin ang pagkuha ng dagdag 300,000 reservist ay sumiklab ang kilos protesta habang maraming mga kalalakihan ang lumayas sa kanilang bansa.