-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ng Russia na ang akusasyon ng US at United Kingdom nagsagawa sila ng anti-satellite weaponry sa kalawakan.

Ayon sa defence ministry ng Russia, na ang kanilang ginawang testing ay hindi nagdulot ng anumang banta sa spacecraft at wala silang nilabag na international law.

Gumagamit lamang sila ng bagong teknolohiya para matiyak kung maayos ang Russian space equipment.

Nag-check lamang ang kanilang inspector sa mga satellites gamit ang specialised small spacecraft apparatus.

Maguguntiang inakusahan ni UK space directorate, Air Vice Marshal Harvey Smyth ang ginawang paglunsad ng projectile ng Russia sa isa nilang satellites.

Sinuportahan naman ito ng US ang akusasyon ng UK kung saan isang actual in-orbit anti-satellite weaponry umano ang ginamit ng Russia.