-- Advertisements --

Nakatakdang iapela ng Russia ang kan ilang apat na taong Olympic ban mula sa World Anti-Doping Agency sanctions.

Tinawag pa ni Russian President Vladimir Putin na ‘unfair’ ang nasabing ban.

Nagdesisyon rin ang Russian anti-doping agency’s supervisory board na maghain ng arbitration case sa Court of Arbitration for Sport sa Switzerland.

Tiniyak naman ni Putin na ipagpapatuloy pa rin ng mga atleta sa kanilang pagsasanay.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng World Anti Doping Agency ang sanctions na pagbabawal sa Russia ng apat na taon sa anumang international competition.