-- Advertisements --
Pinaulanan ng Russia ng mga drones at missiles ang port city ng Odessa sa Ukraine.
Ang nasabing hakbang ay bilang pagganti nila sa ginawang missile attack ng Ukraine sa Crimea bridge nitong Lunes.
Hindi naman malinaw kung natamaan ba ng Russia ang kanilang target dahil sa sinabi ng Ukraine na kanilang naharang ang anim na Russian Kalibr cruise missile sa Odessa.
Magugunitang direktang inakusahan ng Russian government ang Ukraine na sila ang nasa likod ng drone attack sa Crimea bridge.