-- Advertisements --

Naniniwala si US President Joe Biden na hindi pa rin nagbabago ang pakay ni Russian President Vladimir Putin sa Ukraine.

Ito ay matapos ang isinagawang malawakang atake ng Russia sa Ukraine na ikinasawi ng nasa 31 katao.

Sinabi nito na ang ginawa ng Russia ay isang paalala sa mundo na hindi dapat kalimutan na tulungan ang Ukraine para labanan ang Russia.

Dahil dito ay nanawagan muli ang US President sa US Congress na ipasa ang dagdag na tulong militar sa Ukraine.

Una kasing humirit si Biden ng nasa $60 bilyon na panibagong assistance para sa Ukraine pero napigilan ito at sa halip ay nais ng mga mambabatas na ituon na lamang ang pondo sa pagpapahigpit ng border control.