-- Advertisements --

Bumuwelta ang Russia sa naging pahayag ni US President Donald Trump matapos na tawagin niyang nawawala na si Russian President Vladimir Putin dahil sa patuloy na pag-atake nito sa Ukraine.

Ayon kay Dmitry Peskov ang tagapagsalita ni Putin, na maaring nagkaroon lamang si Trump ng “emotional overload”.

Depensa nito na ang ginawa nila ay isang pagganti lamang sa unang ginawa ng Ukraine.

Magugunitang ikinadismaya ni Trump ang ginawang pag-atake ng Russia kung saan gumamit sila ng 367 dronse at missile na ikinasawi ng 13 katao.

Giit naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kaya malakas ang loob ng Russia ay dahil sa pagiging tahimik ng US at ilang kaalyado nilang mga bansa.