-- Advertisements --
Muling inimbitahan ng Nobel Prize banquet ang Russia at Belarus ngayon taon.
Ito ay matapos na sinuspendi ang nasabing dalawang bansa dahil sa ginawang paglusob nila sa Ukraine.
Bukod pa sa dalawang bansa ay muling naimbitahan ang Iran kung saan hindi ito pinayagan na makadalo sa Stockholom event noong nakaraang taon.
Paliwanag ng Nobel Prize foundation na nais nilang imbitahan ang mga ito kahit na hindi sila nagbibigay na tamang asal ng mga Nobel Prize.
Lima sa anim na Nobel Prize ceremonies ay isinasagawa sa Stockholm habang ang isa ay sa Oslo na ito ay ginaganap kada taon.