-- Advertisements --
Magkakaroon muli ng isang runoff election ang estado ng Georgia sa buwan ng Disyembre.
Naging mahigpit kasi ang resulta ng halalan sa pagitan ni Republican Herschel Walker at Democrat candidate Raphael Warnock.
Nakakuha si Walker ng 48% ng boto habang si Warnock ay mayroong 49%.
Base sa batas ng Georgia ay dapat ang mananalo na kandidato ay makakuha ng 50% ng boto para manalo.
Magaganap ang run-off election sa Disyembre 6.
Aminado si US President Joe Biden na mahihirapan ang kaniyang partido na Democrats na makuha ang majority ng boto sa senado at house subalit hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa.