Itinanggi ni Ruffa Gutierrez na pinapasaringan niya si Gretchen Barretto sa kaniyang mga social media post.

Ito ay matapos na magpost ang actress sa kaniyang Instagram ng family picture nila.

May hastag pa ito na #FamilyLove at caption na kahit na nag-aaway ay hindi nagkakawatak-watak.

Nagpost din ito ng larawan habang kasama ang inang si Annabelle Rama kung saan pinuri nito ang ina dahil sa pagtatanggol sa kaniya.

Magugunitang pinasaringan ni Gretchen Barretto si Ruffa matapos na ito umano ay nakikisawsaw sa away nilang magkakapatid.

Dito ay pinagtanggol ni Annabelle ang anak.

Magugunitang tila hindi nagustuhan ni Gretchen ang pagpost ng larawan ni Ruffa habang kasama si Julia Barretto ang anak ni Marjorie.

Sinuportahan naman ng ibang artista ang post ni Ruffa gaya nina Dawn Zulueta at Mariel Padilla.