Desidido si Ruffa Gutierrez na ituloy ang kaniyang pag-aaral.

Ibinunyag nito na nakapag-enrolled siya sa bachelor’s degree sa Philippine Women’s University.

Sinabi nito na walang edad na pinipili ang paghangad na maabot ang pangarap.

Dagdag pa ng 46-anyos na actress na nais niyang makamit ang matagal na nitong pangarap para magkaroong ng panibagong yugto ang kaniyang buhay.

Bilang 34 taon na nito sa showbiz ay nais niyang maging magandang ehemplo sa kaniyang mga anak.