MEGHAN HARRY 1
Duchessof Sussex Meghan Markle with Duch of Sussex Prince Harry.

Masayang ibinalita ng Buckingham Palace ang matagumpay na panganganak ni Duchess of Sussex Meghan Markle sa panganay nilang anak ni Prince Harry.

Nagsilang ng baby boy si Meghan na may bigat na 7lbs. Ang bagong silang na sanggol ay ika-walo nang apo ni Queen Elizabeth at pang-pito ito sa British throne.

Bumuhos ang pagbati ng ilang pulitiko, A-listers at celebrities nang malaman nila ang magandang balitang ito.

Ilan sa mga celebrities na nagpahatid ng kanilang pagbati sa Royal Highness ay sina TV host Ellen De Generes, One direction member Liam Payne, British Prime Minister Theresa May, Former First Lady Michelle Obama, British politician Jeremy Corbyn, at si Archbishop of Canterbury Justin Welby.

Hindi rin naman nagpahuli sa pagbati ang mga dating kasamahan ni Meghan sa kanyang tv show series na Suits tulad nina Patrick Adams at Sarah Rafferty.

Hindi naman maitago ni Prince Harry ang kagalakan na masilayan nito ang kanyang baby boy at sinabi rin na sobrang proud umano siya sa kanyang asawa na si Meghan.

Hanggang ngayon naman ay pinag-iisipan pa ng mag-asawa ang pangalang ibibigay sa kanilang panganay na anak. Wala ring impormasyon patungkol sa kung kailan ipapakita sa publiko ang bagong prinsipe ng Royal family.