-- Advertisements --
Asahan ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa monitoring ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero , na maaaring mayroong P1 ang bawas sa kada litro ng diesel, kerosene at gasolina.
Sa projected price ay magkakaroon ng mula P1.60 hanggang P1.80 sa kada litro ng gasolina habang mayroong P1.70 hanggang P1.95 sa kada litro ng diesel at ang kerosene naman ay mayroong P1.35 hanggang P1.45 ang bawas kada litro.
Sa araw ng Lunes malalaman ang price adjustment na kadalasan sa araw ng Martes itong ipinapatupad.