Ikinagulat ng maraming fans ng Pinoy rock band Slapshock sa pagpanaw ng lead vocalist ng banda na si Jamir Garcia.

Natagpuang ang katawan ni Vladimir “Jamir” Garcia na wala ng buhay sa kanilang banyo sa bahay nila sa Quezon nitong umaga ng Huwebes.

Itinakbo pa si Garcia sa Metro North hospital subalit idineklara na ito ng doktor na dead on arrival.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa nasabing insidente.

Nabuo ang banda noong 1997 na ilan sa mga kantang pinasikat ay ang “Agent Orange”, “Salamin”, “Luha”, “Adios” at maraming iba pa.

Bukod sa mga fans ay nagpaabot rin ng kanilang kalungkutan ang ilang mga local celebrities at mga banda.

Nagpost ang ilan sa mga ito ng larawan kasama si Jamir na pinangunahan nina Parokya ni Edgar singer Chito Miranda, Greyhoundz frontman Reg Rubio, bandang Razorback, 6cyclemind at maraming iba pa.

Hanggang sa ngayon ay wala pang inilalabas na anumang pahayag ang kaanak ni Garcia sa insidente.