Bumuhos ang pakikiramay ng mga iba’t-ibang showbiz personalities sa pagpanaw ng action director at beteranong stuntman na si Boy Roque.

Nitong Martes ng gabi ng pumanaw si Roque matapos na atakehin sa puso.

Isa sa labis na nalungkot ay si Robin Padilla kung saan itinuturing niyang “maestro”.

Boy Roque/ Robin Padilla IG post

Nagpost pa ito ng larawan nilang dalawa habang tinuturuan ng tamang paglaban.

Ipinapaabot din ni Direk Toto Natividad ang kaniyang kalungkutan sa pagpanaw ni Roque.

Nakilala si Roque noong dekada 80 bilang stuntman at character actor.

Laging nagiging kontrabida sa pelikula dahil sa laki ng katawan nito at mahabang buhok.

Ilan sa mga pelikula kung saan ito nakasama ay ang Batang .45 noong 1999, Miss Universe ng Buhay Ko noong 1994, Dyesebel noong 1996 at Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1996.