Rihanna
Rihanna/ IG post

Nakatakdang ilunsad ni Rihanna ang sarili nitong fashion label.

Katuwang ng singer ang French luxury goods group na Moët Hennessy Louis Vuitton (LVMH) at tatawagin itong Fenty.

Isinunod ito sa apelyido ng singer kung saan ang tunay at buong pangalan ay Robyn Rihanna Fenty.

Magiging siya ang unang babae na gagawa ng original brand para sa grupo.

Bukod sa mga damit ay ilulunsad nito ang koleksyon ng sapatos at accessories.

Ang LVMH ay may mga malalaking pangalan na hawak na gaya ng Louis Vuitton, Christian Dior at Givenchy.