Kinumpirma ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa na asahan na ang revamp o rigodon sa mga susunod na araw sa mga key officials ng PNP.
Ayon kay Gamboa ngayong araw Jan 20,2020 gagawin ang final evaluation sa mga opisyal at bukas kaniya ito pag aralan at posible sa Miyerkules maglalabas na siya ng order kaugnay sa balasahan.
Kasunod sa appointment ni Gamboa, aakyat na rin sa pwesto si Lt Gen Camilo Cascolan na magiging deputy chief of administration, at si Lt Gen. Guillermo Eleazar ang magiging deputy chief for operation.
Magiging bakante naman ang pwesto ng The Chief for the Directorial Staff (TDCS).
Sinabi ni Gamboa nasa evaluation process pa sila kung sino ang magiging TDCS na papalit sa pwesto ni Eleazar.
Samantala, sinabi rin ni Gamboa na sa ngayon pinag-saralan na ng Senior Officers Placement and Promotion Board kung sino ang iuupo bilang pang apat sa pinakamataas na opisyal ng PNP ang TCDS.
















