-- Advertisements --
Bumagsak ng nasa 79 percent ang kita ng mga pantalan para sa nakalipas na buwan ng Marso dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, bagama’t patuloy ang kanilang operasyon para sa ibang shipment, wala namang pampasaherong barkong pinapahintulutang makapaglayag.
Noong nakaraang taon, nakapagtala ang PPA ng P7.280 billion revenue.
Sa pagtaya ni Santiago, kahit makabalik na sila sa full operation, hindi magiging madali ang paghahabol sa bilyon-bilyong kinikita dati ng mga pier sa bansa.
Inamin din nitong kahit makabyahe na ang mga barko, kalahati lamang ang papayagang makasakay sa mga passenger vessel, hanggang irekomenda ng Department of Health (DoH) na maaari na silang magkaroon ng normal operation.