-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Comelec ang optional retirement ni dating Comelec spokesperson James Jimenez.

Batay sa minute resolution 08-0226, ipadadala na ang kahilingan ni Jimenez sa tanggapan ng executive director para sa kaukulang aksyon.

Nabatid na naghain si Jimenez ng liham para sa maaga nitong pagreretiro noong Agosto 2, 2022 at inaprubahan ng en banc noong Agosto 31, 2022, subalit nitong weekend lamang naisapubliko.

Nabatid na si Jimenez ang pinakamatagal na naging tagapagsalita ng poll body, bago napalitan nitong taon lamang.

Nakaladkad ang pangalan ng opisyal sa nagkaaberyang venue ng presidential debate, pero inabswelto naman siya ng mismong organizer ng aktibidad.

“My deep and abiding gratitude to my co-workers in the COMELEC. It was my pride and privilege to take your side in serving the nation,” pahayag ni Jimenez sa kaniyang personal FB account.