-- Advertisements --
Ragos AFP

Binigyan ng pagkilala sa Libingan ng mga Bayani si retired Philippine Army Cpl. Winston Ragos matapos na ito ay mabaril ng pulis sa isang lockdown checkpoint sa Quezon City.

Dumating ang labi ni Ragos sa Libingan ng mga Bayani nitong madaling araw ng Sabado kung saan itinakda ang libing nito sa araw ng Linggo.

Magugunitang napatay ng mga kapulisan na nagbabantay sa checkpoint si Ragos matapos daw na ito ay aktong bumunot ng baril at nakipagtigasan pa sa mga otoridad.

Si Ragos ay dumanas ng post-traumatic stress disorder (PTSD) na kaniyang nakuha umano mula sa pakikipaglaban sa Marawi City.

Sinampahan naman ng kaso ang mga sangkot na mga pulisan na bumaril sa nasabing retiradong sundalo.