BAGUIO CITY – Pinaglalamayan na ngayon ang isang retiradong pulis matapos mabagok ang ulo nito sa semento sa Banglolao, Bucay, Abra kahapon.

Nakilala itong si Erasmo Barroga, 56.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon umano ng alitan ang biktima at ang kanyang manugang na humantong sa habulan.

Hinabol umano ng biktima na naka-armas ng itak ang kanyang manugang.

Gayunman, napatid ito sa bahagi ng flooring na semento na naging dahilan para natumba at nabagok ang ulo nito.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Ayon naman sa kanyang manugang, aksidente umano ang pangyayari at hindi niya sinaktan o hinampas ang biyenan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.