-- Advertisements --
Pasado na sa pinal na pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1840 o Retail Trade Liberalization Bill.
Kung maisasabatas ito, ibababa sa P50 million ang minamandatong paid-up capital ng mga foreign retailer na nais mamuhunan sa anumang retail trade business sa Pilipinas sa halip na sa kasalukuyang $2.5 million US dollars.
Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, mabubuksan nito ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga dayuhan ng sapat na level upang mapanatili sa medium level ang kompetisyon.
Ikinatuwa rin naman ito ng stakeholders, kasama na ang mga nagsusulong ng pagluluwag ng kalakalan sa ating bansa.