-- Advertisements --

collide

Muling hinarang ng China Coast Guard ang resupply mission vessel ng Philippine Coast Guard kaninang umaga sa may bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ito ang kinumpirma ngayon ng National Task Force for the West Philippine Sea.

Sa isang statement ng Task Force sinabi nito na ang ginawa ng China Coast Guard ay isang “dangerous blocking maneuvers” laban sa resupply boat.

Binangga naman ng Chinese Maritime Militia vessel ang BRP Cabra (MRRV 4409) sa kasagsagan ng resupply mission.

Ang pagharang at ang delikadong maniobra ng China Coast Guard vessel 5203 laban sa resupply boat na Unaiza Mayo 2 ay nangyari 13.5 nautical miles silangan hilagang-silangan ng kung saan naroroon ang BRP Sierra Madre.

Ang Chinese Maritime Militia vessel 00003 naman ay nabangga ang BRP Cabra sa layong 6.4 nautical miles hilagang-silangan ng Ayungin Shoal.

Sa ngayon nagpapatuloy ang rotation at resupply mission kasama ang Unaiza May 1 na dumating ng maayos sa BRP Sierra Madre.

“The National Task Force for the West Philippine Sea condemns in the strongest degree the latest dangerous, irresponsible, and illegal actions of the CCG and the Chinese Maritime Militia done this morning,” batay sa inilabas na pahayag.