-- Advertisements --
philhealth sworn

Kinumpirma ni Senate committee on health chairman, Sen. Christopher “Bong” Go, na nakarating na sa Malacanang ang resignation letter ni PhilHealth President/CEO Ricardo Morales.

Ayon kay Go, si Executive Sec. Salvador Medialdea ang tumanggap sa liham at agad itong ipinarating kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang bumaba sa pwesto si Morales dahil sa mga kontrobersiya at sa isyu na rin ng kaniyang kalusugan.

Samantala, tutuluyan pa ring kasuhan ang mga PhilHealth executives kahit nagsipagbitiw na ito sa trabaho.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nagkaroon ng pagwaldas ng pondo mula sa perang ambag ng taongbayan kaya hindi ito dapat magtapos sa simpleng pag-alis lang sa pwesto.

Makabubuti rin naturang ang pagbaba sa tungkulin para maisagawa ang malawakan at malalimang pagsisiyasat ng binuong task force ng Department of Justice.