-- Advertisements --

Hiniling ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste kay DPWH Sec. Vince Dizon na pumayag na babaan ang pondo ng mga proyekto sa ilalim ng 2026 budget ng hanggang 25%.

Ayon kay Leviste, ito ay upang mawala na ang sistema ng korapsyon na bumabalot sa mga pampublikong proyekto na ipinapatupad ng DPWH.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, sinabi ni Leviste na ang pagtapyas ng 25% sa lahat ng mga proyekto (accross the board) ng naturang ahensiya ay tiyak na magiging solusyon para mawala na ang kickback o porsyentong napupunta sa mga project proponent tulad ng mga kongresista, DPWH officials, at iba pa.

Katwiran ng kongresista, kung tatapyasan ng naturang porsyento ang bawat proyekto ng ahensiya, magreresulta ito sa mas mababa ngunit tamang budget, at tiyak na wala nang makukurakot ang mga proponent.

Apela ni Leviste kay Dizon, sana ay maging bayani siya ng bansa at payagang maipatupad ang 25% across the board na tapyas sa bawat proyekto, bago tuluyang maaprubahan ang 2026 budget ng ahensiya.