-- Advertisements --

RENEWAL NG BUSINESS PERMIT SA GENSAN NAGKAROON NG DELAY DAHIL SA PANDARAYA NG ILANG NEGOSYANTE SA FILING NG KANILANG KABUOANG GROSS INCOME

GENERAL SANTOS CITY – Nagkaroon ng delay sa renewal ng business permit ang mga negosyante sa Gensan matapos magkaroon ng problema ang ilan sa kanila dahil sa hindi paglantad ng kanilang kabuoang gross income, dahilan upang maipit ang kanilang aplikasyon sa City Treasurers Office.

Sinabi ni Mark Christian Abarquez, ang Acting Division Chief ng Business Permits and Licensing Division, na sa susunod na Sabado na ang itinakdang deadline para mag-renew kung saan lalong made-delay umano kung magsisinungaling ang iilan tungkol sa kanilang totoong gross income.

Nanawagan ito na mag-avail sa window period na ibinigay ng lungsod upang maiwasang masingil ng surcharge at karagdagang interes na babayaran kada buwan.

Ipinaalala din opisyal na mas mabilis at mas madali sa ngayon ang proseso ng online transaction dahil kasama na ang pagbabayad.

Sa taong ito, target nila ang 12,600 na negosyo na mag-renew ng kanilang business permit.

Batay ito sa datos ng mga negosyanteng kumuha ng permit noong nakaraang taon.

Sa pahayag nito, kung lumampas sa Enero 20 ang pagparenew ng business permit ay papatawan ng 25% multa at 2% interes sa bawat buwan.

Tiniyak din nito na ang mga nahihirapan sa pagregister ay pwedeng pumunta sa kanilang mga ininstall na mga kiosk na nasa lobby sa harap ng kanilang opisina.

Maliban dito, nag-install din ang BPLD ng mga computer sa Oval Gymnasium para sa registration assistance.