-- Advertisements --

Umalma ang ilang executive ng renewable energy (RE) sa limitasyon ng presyo na itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC) para sa Green Energy Auction Program (GEA-2) bidding, kung saan magiging imposible na magkapagsumite sila ng functional bid, kung saan kanilang inilalarawan na ang rate ceiling ay “hindi makatotohanan”.

Dahil dito, ang Department of Energy (DOE) ay nagpahayag na ng kanilang pagkadismaya sa mababang turnout sa ikalawang round ng Green Energy Auction Program (GEA-2) bidding.

Maari kasing nahadlangan ang inisyatiba bago pa man opisyal na magbukas ang auction.

Ayon kay Ms. Tetchi Capellan, chief executive officer ng Sun Asia Energy na ang framework ng auction ay magtakda ng price cap at mag-bid sa ibaba ng price cap, subalit baliktad ang nangyayari dahil ang mga regulator na ang nagtatakda ng price ceiling.

“We urge ERC to seriously examine the tariff rates in the GEA Program. The rates are not reflecting the realities of the current demand and supply of electricity in the country, nor is it encouraging developers to build,” wika ni Capellan.

Dagdag pa ni Capellan, “We believe that for the industry to deliver the ambitious target of the President, there has to be an honest-to-goodness realization of the current market prices. Without this, future GEAP will fail to entice developers.”

Sa isinagawang bidding noong Lunes, nakatanggap lamang ang DOE ng 3,580.76 megawatts (MW) ng committed capacities, o humigit-kumulang 30 porsiyento ng kabuuang 11,600 MW na magagamit.

Nag-iiwan ito ng higit sa 8,000 MW ng hindi naka-subscribe na kapasidad.

Sa ilalim ng GEA-2, ang mga nanalong bidder ay dapat gawing available ang kanilang mga nakatuong kapasidad bago ang 2024 hanggang 2026.

Itinakda ng ERC ang presyo para sa GEA-2 sa P4.4043 kada kilowatt hour (kWh) para sa ground-mounted solar, P4.8738 kada kWh para sa rooftop solar, P5.3948 kada kWh para sa floating solar, P5.8481 kada kWh para sa onshore hangin, P5.4024 kada kWh para sa biomass at P6.2683 kada kWh para sa biomass waste-to-energy.

Naniniwala naman si Atty. Jose M. Layug, Jr., co-chairman ng European Chamber of Commerce’s Renewable Energy and Energy Efficiency Committee, na ang pagtakda ng ERC ng price ceiling para sa renewal energy maaring magdulot ng financial lossess sa mga potential bidders.

“We should look into the setting of the Green Energy Auction Reserve (GEAR) prices for each RE technology that may expose potential bidders to risk of financial losses, including comparative price levels in Wholesale Electricity Spot Market (WESM) and other retail markets,” pahayag ni Layug.

Hiling din Layug na dapat bigyan din ng sapat na oras ang mga developers para mapaghandaan ang kanilang bids.

Pinuri naman ni Layug ang hakbang ng Department of Energy (DOE) sa kanilang agresibong pagsusulong sa renewal energy.

Sa ngayon wala pang pahayag si Energy Secretary Raphael Lotilla tungkol sa kung ang 8,000 MW ng unsubscribed capacity ay “up” na para sa rebidding.