-- Advertisements --

Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni Philippine Army commanding general Lt. General Cirilito Sobejana na isailalim sa Martial Law ang Sulu matapos ang magkakasunod na pagsabog kamakailan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t may rekomendasyon na, tiyak na bubusisiin naman ito ng husto ng Kongreso at ng Korte Suprema.

Ayon kay Sec. Roque, nakikinig si Pangulong Duterte sa mga suhestyon at rekomendasyon ng nga taong nasa ground.

Kasabay nito, inihayag ni Sec. Roque na agad na pinulong ni Pangulong Duterte ang mga matataaas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) matapos ang pagsabog noong Lunes at agad na nagbigay ng mga direktiba

Hindi naman matukoy ni Sec. Roque kung bibisitahin ni Pangulong Duterte ang mga pamilyang naulila sa pagsabog sa Jolo dahil sa sitwasyon.

“We have previously issued a statement on the attack. Previous to that, he had a command conference— it was confidential in nature, where he met with top leadership of AFP and PNP. It’s probably because he has given the necessary orders. You don’t discuss what you intend to do when it comes to situation on the ground, publicly,” ani Sec. Roque.

“He walks the talk, he has a policy of not just condoling with the family, but also providing financial assistance with the family. They will given recognition.”