Patuloy ang pagtaas ng reklamong natatanggap ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon sa DTI noong nakaraang taon lamang ay nakatanggap ang kanilang e Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng nasa 28,824 na mga reklamo na mga online transactions noong 2023.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng tatlong porsyento kumpara noong 2022 na mayroong 27,947.
Karamihan aniya sa mga reklamong natanggap ay yung tinatawag na deceptive, unfair and unconscionable sales acts and practices.
Sa nasabing bilang din aniya ay 31 percent nito ay kanilang naresolba habang mayroong 69 percent o 19,887 na mga reklamo ang inindorso sa ilang mga concern government agencies bilang bahagi ng “No Wrong Door” policy ng ahencya.
Hinikayat ng DTI ang publiko na agad na magsumbong sa kanilang opisina sa mga negosyanteng nandaraya sa kanilang mga paninda.